PINAAALAHANANG muli ng aktor na si Tirso Cruz III ang publiko na maging maingat sa mga bogus seller online na ginagamit ang kaniyang pangalan para magbenta ng pekeng produktong pagkain.
Sa kaniyang social media post, ibinahagi ng aktor ang kaniyang pagkabahala nang matuklasan ang nasabing modus, kasunod ang pagbabala sa publiko na maging maingat lalo pa’t hindi lamang ito ang unang beses na nangyari ang insidente.
Kaugnay nito, sinabi rin ng aktor na hindi kailanman nakipag-ugnayan ang nasabing produkto sa kaniya para maging endorser nito.
Si Tirso Cruz III ay kasalukuyang chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).