NANALO na muli ang Choco Mucho Flying Titans kasunod ang dalawang sunod-sunod nito na pagkatalo sa nagpapatuloy na prelim ng 2024-25 PVL All-Filipino Conference.
Sa naging laro nila kontra Farm Fresh Foxies nitong Disyembre 12, 2024, 25-20, 25-21, 21-25, 25-27, 15-12 ang iskor pabor sa Titans.
Si Mars Alba ang ‘Player of the Game’ matapos nag-ambag ito ng 25 excellent sets.
Maliban kay Alba, naging susi rin ang ambag na 26 points, 13 excellent receptions at 13 digs ni Sisi Rondina para manalo ang CMFT; 18 points ni Kat Tolentino; at ang tig-10 markers ni Cherry Nunag at Isa Molde.
Sa Foxies, 31 points ang ambag ni Trisha Tubu.
Samantala, hindi agad sumuko ang Zus Thunderbelles sa kamay ng Creamline Cool Smashers.
Ang kanilang laban, bagamat pabor sa Cool Smashers, umabot ng five sets sa iskor na 25-22, 28-30, 26-24, 17-25, 15-13.
Para sa Thunderbelles, nanguna si Kate Santiago na nag-ambag ng 19 points; 15 markers mula kay Thea Gagate; 13 points mula kay Chai Troncoso habang tig-11 points sina Mitch Gamit at Jovelyn Gonzaga.
Sa Creamline, nag-ambag si Alyssa Valdez ng 17 points, 16 attacks, at 1 block kung kaya’t naging ‘Player of the Game’ ito.