ISA ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa mga panukalang nais na isulong ni Pastor Apollo C. Quiboloy sakaling maging senador.
Ayon kay Atty. Kaye Laurente, tagapagsalita ni Pastor Apollo, isang panukalang magsusulong sa pensiyon ng mga OFW ang nais na isabatas ng butihing pastor— at ito ay tinatawag na OFW Retirement Security Act.
Sa ilalim ng panukalang ito, nais ni Pastor Apollo na hindi na mahirapan pa ang mga OFW sa pagreretiro sakaling magbalik-Pinas na sila.
“Sabi ni pastor we will create a mandatory pension scheme for all OFWs with government and employer distributions, hindi lang po ang inyong employers ang magcocontribute pati na rin po may government subsidy.”
“Para po ‘yan siyang ‘yung sa SSS contribution, ‘yung Social Security System contribution pero specifically tailored po ito para sa ating OFWs,” pahayag ni Atty. Kaye Laurente, Spokesperson, Pastor Apollo.
Sa hakbang na ito, magkakaroon ng minimum pension ang mga OFW na nasa edad 60 pataas.
“Sa pension scheme natin sabi po ni pastor, napakaganda po, mayroon tayong tinatawag na guaranteed minimum pension so kahit saan ka man 60 years old, bumalik ka dito sa Pilipinas tapos wala kang savings o konti lang ‘yung savings mo kasi nga anlaki din ng gastusin kasi nga pinapadala dito minsan araw-araw, buwan-buwan so magkakaroon ng guarantee po, garantiya na may minimum pension ka, paano gagawin iyon kasi mayroon nga tayong tinatawag na mandatory pension scheme, mandated po ang lahat so kunwari po magko-contribute ka ng sa retirement fund mo for specified number of years example 10 years tapos sa bawat buwan na tumatanggap ka ng sahod for example 30 thousand pero mayroon ka nang contribution monthly tapos aside sa monthly contribution mo dapat ipo-propose po ni pastor na mayroon ding government subsidy for example 30 thousand pesos for example every month may minimum may 3,000 ka tapos ‘yung government naman magsu-subsidize din maga-add naman ng contribution na 1,000 so sa bawat buwan meron ka nang 4,000 na retirement fund,” dagdag ni Atty. Laurente.
Sa pamamagitan ng sariling retirement funds sa ilalim ng panukalang ito, sigurado nang makakatanggap ng pensiyon ang mga OFW na nagtatrabaho sa alinmang bahagi ng mundo
Magiging kahabagi rin ang Department of Foreign Affairs sa hakbang na ito para masigurong mapupunta ang pondo ng mga OFW sa kanilang pagreretiro.
“Magnenegotiate tayo ng Social Security Agreements with major OFW destination countries so kumbaga magiging trabaho po ito ng DFA Department of Foreign Affairs na kung saan ‘yung mga common na mga countries, OFW countries or host countries na tinatawag natin makikipag-usap po sila doon sa gobyerno na ito po ang magiging Social Security Agreements doon po kalakip na diyan ang magiging pension retirement benefits na matatanggap na sigurado po ay madadala ng isang OFW pagbalik dito sa bansa.”
“Dito sa retirement savings program may tax incentive po para sa lahat ng OFWs so once mayroon ka nang retirement fund may savings program ka kasi nakasali ka jan mayroon kang tax deduction every time na mag-contribute ka. Again nakipag-usap na ‘yung mga DFA natin doon sa host countries para ‘yung tax po ay mas lower po mas mababawasan so pangalawa dapat tax free rin ‘yun, ‘yung magiging savings program,”aniya.
Nais nga ni Pastor Apollo na isulong ang nakabubuti para sa lahat ng Pilipino nasa loob o labas man ng bansa.
Kaya para sa karagdagang kaalaman sa lahat ng platapormang isinusulong ng butihing pastor, patuloy na makinig sa iba pang programa ng SMNI.