Tiyansa na maging diabetic, mas mataas sa mga taong nagka-COVID-19

Tiyansa na maging diabetic, mas mataas sa mga taong nagka-COVID-19

BATAY sa pag-aaral na iniulat ni Philippine Society of Endocrinology, Diabetes and Metabolism (PSEDM) Vice President Dr. Carol Montano, tumaas ang kaso ng diabates mula sa mga nagka-COVID-19.

Aniya, nakita sa isang meta-analysis na may pagtaas o pagdami ng kaso sa mga may edad 18 pataas dahil sa tinatawag na “new-onset diabetes” matapos magkaroon ng COVID-19.

“Para po sa kaalaman ng marami, iyon nga po ‘yung nakita sa mga pag-aaral ng meta-analysis sa mga experience ng different hospitals locally and abroad, na iyon pong nagkaroon ng mga COVID, nagkaroon po tayo ng pagtaas ng kaso ng diabetes ‘no. So this is compared po doon sa time na wala pa po tayo noong COVID-19. So, yes, nadi-detect po natin na mayroon pong nagkakaroon ng bagong diagnosis ng diabetes during this pandemic,” pahayag ni Montano.

Dagdag ni Montano, na may iba na saka lamang nila nalalaman na may diabetes pala sila noong nagka-COVID na.

“Ang nakita po natin na may mga pasyente last year and this year, iyong mga 140 and above, diabetic na po pala sila for the past six months or three months ago. So, the more po na nadi-detect natin dahil sa pagmo-monitor ng blood sugar, mas nakikita po natin na marami na palang may diabetes,” ani Montano.

Nakikipagtulungan na ang  PSEDM  sa Department of Health (DOH) upang hikayatin ang mga pasyenteng may diabetes na magpaturok ng booster shot.

Aniya, hindi sapat ang primary doses lamang para sa may mga diabetes.

“Locally po, sinisimulan po namin iyong pag-aaral. Pero internationally at pati na rin po sa CDC at sa American Diabetes Association, nakita po natin na tumaas ang proteksiyon ng mga may diabetes na maospital noong nagkaroon po sila ng booster, not just the full dose. Hindi po naging enough iyong full dose eh. Marami po sa mga pasyenteng may diabetes, after four months, nagkaroon po sila ulit ng either new variant na COVID-19. Kaya po talagang pinu-[push po natin na] mag-booster doses ang mga pasyenteng may diabetes,” aniya pa.

 

Follow SMNI News on Twitter