TJ Monterde No. 1 OPM artist ngayon sa Spotify PH

TJ Monterde No. 1 OPM artist ngayon sa Spotify PH

A round of applause para kay TJ Monterde dahil No. 1 Top OPM artist siya ngayon sa streaming service na Spotify sa Pilipinas!

Kasunod ito sa kaniyang three-day sold out concert sa The Big Dome noong Pebrero 1 hanggang 3, 2025.

Kung mapapansin, sa Spotify din ay streamed one billion times na ang kanta nitong ‘Palagi’.

Naging No. 1 song pa ito ng Billboard Philippines noong taong 2024.

Sa concert scene naman, siya pa lang ang kauna-unahang solo act na ‘sold out’ ang tickets para sa tatlong magkasunod na shows sa The Big Dome.

Ito na nga ang ilan sa mga rason kung bakit hanggang ngayon, biggest Filipino artist sa recording at concert scene ang 35-years old artist.

The Philippine Music Festival 2025, gaganapin sa susunod na buwan

At kung mahal ninyo umano ang original Pinoy music, dumalo sa gaganaping ‘Fusion: The Philippine Music Festival’ ngayong taon sa CCCP open grounds!

Ang ticket prices para dito ay nagsisimula sa P1K-P3K.

Matutunghayan naman sa naturang event na isasagawa sa Marso 15 ang artists gaya ng Ben&Ben, December Avenue, Itchyworms, Alamat, Kaia, Allmo$t, KWC artists, D’grind, at UP Varsity PEP Squad.

Tampok din dito ang solo singers gaya nina ZackT, Maki, Barbie Almalbis, Jan Francis, at Pauline Anne maging sina DJ Ron Poe, DJ Mars Miranda, at DJ Bandit.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble