TNT Tropang Giga at Ginebra, muling magtutuos bukas sa nagpapatuloy na PBA Governors Cup

TNT Tropang Giga at Ginebra, muling magtutuos bukas sa nagpapatuloy na PBA Governors Cup

LUMAPIT pa sa tagumpay ang TNT Tropang Giga matapos itong lumamang sa game series nilang laro kontra sa Barangay Ginebra San Miguel sa nagpapatuloy na PBA Governors Cup.

Pumabor sa TNT ang Game 5 nitong Miyerkules sa score na 95-104.

Muli namang magtutuos ang 2 koponan alas-singko bukas, araw ng Biyernes na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum para sa kanilang Game 6.

Sa ngayon, may 3 ng panalo ang tropang Giga habang 2 naman sa Ginebra para sa best of 7 series game nila.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter