UMARANGKADA ang finals series ng PBA Commissioner’s Cup.
Sa game 1 sa pagitan ng TNT tropang Giga at Barangay Ginebra San Miguel, nakuha ng una ang first win sa iskor na 95-89.
Sa first half pa lang ng kanilang laro, inilayo agad ng TNT sa 16 points ang kanilang lamang.
Bahagya namang nakahabol sa second half ang Gin Kings ngunit hindi ito sumapat. Nanguna sa panalo ng TNT si Rondae Hollis-Jefferson na gumawa ng 34 points, 13 rebounds and eight assists.
Nag-ambag naman ng 15 points si RR Pogoy at 10 points si Calvin Oftana.
Magaganap ang game 2 ng kanilang serye sa Linggo, Marso 16 sa SM Mall of Asia Arena.
Follow SMNI News on Rumble