PASOK na sa semifinals ng 49th season ng PBA Governors’ Cup ang TNT Tropang Giga matapos tinalo nila ang NLEX Road Warriors sa iskor na 125-96.
Sa naturang laro, may ambag si Rondae Hollis-Jefferson na 35 points at 11 rebounds, Rey Nambatac na may 19 points, RR Pogoy na may ambag na 18 points, Calvin Oftana at Glenn Khobuntin na may tig-11 points.
Sa kabilang banda, panalo ang Magnolia Chicken Timplados Hotshots sa iskor na 129-100 kontra Rain or Shine Elasto Painters.
Ngunit kailangan pa nila maglaro muli sa Sabado, Oktubre 5.
Kung sinuman ang mananalo sa pagitan ng Hotshots at Elasto Painters ay makakapasok na sa semifinals kasama ang TNT at Barangay Ginebra San Miguel.