NAKUHA ng TNT Tropang Giga ang kanilang unang panalo sa pagsisimula ng 2024 Philippine Cup matapos payukuin ang Rain or Shine Elasto Painters sa iskor na 108-107.
Sa kanilang laban, dikitan ang kanilang iskor sa first half kung saan lamang ng isang puntos ang Elasto Painters sa iskor na 51-52.
Nagawa ring mapanatili ng ROS ang kanilang lamang sa pagtatapos ng third quarter kung saan lamang ito ng limang puntos.
Sa natitirang halos dalawang minuto ng kanilang laro, ay nagawang makalamang ng TNT sa iskor na 108-104 kasunod ng three-point shot at lay-up ni Calvin Oftana.
Sa pagtatapos ng kanilang laro, nakagawa ng 23 points at 14 rebounds si Oftana habang nag-ambag ng 22 points si RR Pogoy at 21 points si Kim Cyril Aurin.
Maliban naman sa TNT, nagwagi rin sa opening game ang Blackwater Bossing laban sa Meralco Bolts sa iskor na 96-93.