NAKATAKDANG mag-resign si Tokyo Olympics Chief Yoshiro Mosi dahil sa sexist nitong pahayag na nagresulta sa pagkagalit sa Japan maging sa ibang mga bansa.
Base sa ilang Japanese media outlets, sinabi na ni Mori ang kanaisan nitong bumaba sa kanyang puwesto at balak nitong ianunsyo ang kanyang resignation sa pagpupulong ng mga games organizers sa Biyernes.
Naging kontrobersyal si Mori dahil sa kanyang pahayag na sobra ang pagsasalita ng mga kababaihan sa mga pagpupulong dahil sa mayroong “strong sense of rivalry” ang mga ito.
Umani ang pahayag na ito ni Mori ng batikos mula sa mga politiko, sports stars maging sa publiko kung saan sinabi ng mga ito na salungat ang naging komento ni Mori sa Olympic spirit.