HINDI pabor ang karamihan ng residente ng Japan sa pagpapatuloy ng Olympics ngayong taon sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.
Base sa pinakahuling poll na Yomiuri, nakita na nasa 28% ng respondents ang nagsabing nais nilang kanselahin ang Olympics, at 28% din ang nagsabi na dapat itong ipagpatuloy nang walang manonood.
Nakita din sa poll na pinagsamang 61% ang nagsabing gusto na nilang kanselahin o ipagpaliban ang Olympics.
Samantala, nasa 36% lamang ng publiko ang pabor sa pagpapatuloy ng Tokyo games.
Matatandaan na na-postpone ang Tokyo Olympic games noong nakaraang taon matapos na magkaroon ng COVID-19 outbreak sa buong mundo at ni-reschedule ito ngayong taon na nakatakdang ganapin sa July 23.