Tolentino at Jose, pinatawag ni PBA Commissioner Willie Marcial

Tolentino at Jose, pinatawag ni PBA Commissioner Willie Marcial

PINATAWAG ni PBA Commissioner Willie Marcial sina Arvin Tolentino at Raymar Jose sa League Office upang pagpapaliwanagin hinggil sa endgame commotion bago ang pagbubukas ng serye ng laro sa Game 2 ng PBA Governors’ Cup Finals.

Ito ay bahagi ng proseso ng pag-review ng final seconds ng Game 1 na nagkaroon ng endgame commotion na kinasangkutan nina Tolentino at Jose.

Ayon sa mga saksi, nagpatuloy ang pag-aaway ng dalawa sa tunnel papuntang dugouts ng Smart Araneta Coliseum at sa walkway ng basement parking ng Big Dome.

Samantala sa UAAP results, panalo ang University of the Philippines kontra De La Salle University sa iskor na 61-59.

Panalo rin ang Far Eastern University kontra Adamson sa score na 66-55.

Tinalo naman ng Ateneo ang University of the East sa score na to 94-72 win.

Tagumpay din sa laro ang National University kontra University of Sto. Tomas sa score na 82-51.

Follow SMNI News on Twitter