Toni Gonzaga, walang sama ng loob sa pag-alis sa dating network

Toni Gonzaga, walang sama ng loob sa pag-alis sa dating network

MALUWAG ang loob ni Toni Gonzaga sa kanyang paglipat sa ibang network.

Sa isang panayam, sinabi nito na hindi sama ng loob ang dahilan ng kanyang pag-alis sa Kapamilya Network.

Nakapagpaalam din aniya siya nang maayos sa kanyang dating mga boss.

Ang hiling lamang ngayon ni Toni ay respeto sa kanilang mga desisyon.

Naniniwala rin ang host-singer at actress na lahat ng mga nangyari sa kaniyang buhay ay bilang paghahanda kung anuman ang kanyang kapalaran sa hinaharap.

Mababatid kasi na inulan si Toni Gonzaga ng pamba-bash nang ikampanya nito si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong katatapos lamang na eleksiyon.

Sa ngayon, si Toni ay nasa ALLTV at inaming noon pang 2020 siya nabigyan ng offer.

Follow SMNI NEWS in Twitter