IPINAKILALA ng Philippine Army sa publiko ang naging Top 10 mula sa Officer Candidate School (OCS).
Ang nasabing bilang ay ilan lang sa mahigit 100 college graduates na pumasok sa OCS upang magsilbi para sa bayan.
Layunin ng Philippine Army na ipakita sa publiko na mayroon silang training school para sa mga nagsipagtapos sa kolehiyo.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ni LtGen. Romeo S. Brawner, Jr. Commanding General, Philippine Army bilang keynote speaker.
Ibinahagi rin ng OCS graduates ang kani-kanilang nais na departamento na mapuntahan kung mabibigyan sila ng pagkakataong mamili batay sa kanilang kagustuhan.
Sa kabila nito, sinabi ng mga magsisipagtapos na kahit ano o saan man sila madestino ay malugod nila itong tatanggapin.
Ayon kay LtGen. Brawner, ito ang kauna-unahang presentasyon ng OCS upang mas makilala pa ang OCS tulad ng Philippine Military Academy (PMA).
“This is the first time doing this, presenting the Top 10 to our media and if you notice, ginagawa na natin ito ng matagal doon sa PMA di ba. Everytime na mayroon graduation ang PMA a week before the graduation, they present the top 10 and more often than not, nandoon ang members of the media. Pinipresent po natin ito sa buong because we are proud of our graduate not just PM graduates but we are proud with our OCS graduate, officer candidate graduates,” ayon kay LtGen. Romeo S. Brawner, Jr. Commanding General PA.
Pinaliwanag naman ni Commander Harold Cabunoc ang kaibahan ng PMA sa OCS.
“Ang main difference ‘nung dalawang program, ang Philippines Military Academy you can be admitted out from high school, dito naman sa OCS you must be college graduate. Ang kagandahan dito ay cost effective siya in a sense ang mga skills na nakuha na nila ‘nung college na ginastusan ng kanilang mga magulang ay directly magagamit after 1 year training,” dagdag ni Brawner.
Sa darating na Hulyo 7 nakatakdang gawin ang graduation rites ng mga nagsipagtapos na OCS at inaasahan na dadalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kanilang graduation ceremony.