Top 2 NPA leader, napatay sa engkwentro sa Impasugong, Bukidnon

Top 2 NPA leader, napatay sa engkwentro sa Impasugong, Bukidnon

PATAY ang isang Top 2 New People’s Army (NPA) leader sa engkwentro sa pagitan ng militar at communist terrorist group (CTG) sa Barangay Kalabugao, Impasugong, Bukidnon.

Kinilala ang nasawi bilang si Pedro Codaste alias Gonyong/Serv, 2nd top-ranking NPA Commander ng Mindanao.

Dahil dito, inilalarawan ni LtGen. Greg T. Almerol, Commander ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom) ang NPA sa Mindanao na “running like a headless monster.”

Sa pinaigting na opensiba ng militar laban sa CTG, naglunsad ng operasyon ang pinagsanib na 402nd Brigade ng 4th Infantry Division (4ID), 16th Infantry Battalion, Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP), at intel units sa nasabing lugar bilang tugon sa isang impormasyon mula sa concerned citizens sa presensya ng armadong grupo.

Umabot sa 30 minutong bakbakan ang nangyari sa pagitan ng militar at 15 na armadong CTG na nagresulta sa pagkamatay ni Codaste at isang alias Zandro.

Narekober sa nasabing lugar ang dalawang armas ng AK47 Rifle, at isang Caliber .45 Pistol, isang Anti-Personnel Mine (APM), at tatlong backpacks na may personal na gamit, at mga dokumento.

Si Codaste ay kinilala bilang Acting Chairman ng Komisyun Mindanao (KOMMID) ng NPA matapos ang pagkamatay nina Antonio Cabanatan, Jorge Madlos, at Menandro Villanueva.

Miyembro rin si Codaste ng Central Committee ng Communist Party of the Philippines (CPP), National Democratic Front (NDF) Consultant, Deputy Secretary ng KOMMID, dating Secretary ng Guerilla Front 4A (FG4A) sa Agusan del Sur noong dekada 90, at kalaunan ay naging Secretary ng North Central Mindanao Regional Committee noong 2009.

Ayon kay LtGen. Almerol, ang pagkamatay ni Codaste ay nagbibigay hustisya sa mga biktima ng kanyang kalupitan sa Mindanao.

May multiple warrants of arrest si Codaste dahil sa murder, double frustrated murder, at attempted murder mula sa Regional Trial Court, 10th Judicial Region ng Malaybalay City, Bukidnon simula noong Agosto 2018.

Ayon kay Almerol, tinataya nitong mas maraming miyembro pa ng NPA ang magbabalik-loob sa pamahalaan dahil sa pagkawala ng kanilang mga lider at hindi aniya kakayaning makapanatili ang mga ito sa mga lider na walang karanasan.

“We are seeing a snowball of surrender in the coming days with the successful neutralization of another CTG head. This is possible as the operational balance of the CTG continues to crumble while the morale of their followers depletes after series of engagements with our troops,” ayon kay Almerol.

Nanawagan muli si LtGen. Almerol sa mga naiwang miyembro ng CTG na sumuko nang mapayapa sa halip na sundin ang tinahak ng mga nasawing mga lider.

“May you follow the steps of your former comrades who are now living a peaceful and comfortable life under the care of the government as beneficiaries of the Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP). All you need to do is make that decisive action to peacefully surrender and we will ensure your safety and protection,” ani LtGen. Almerol.

“We abhor the idea of bloodshed and we do not want to see another rebel dying for the sake of a failed ideology. Surrender now instead of wasting your lives,” diin ng general.

Nagpahayag din ng pasasalamat si LtGen. Almerol sa mga taong naninirahan sa mga komunidad dahil sa aktibong pamamahagi ng impormasyon sa militar na syang naging instrumento para sa katagumpayan ng kanilang operasyon sa Eastern Mindanao.

Bukod dito, pinuri ng heneral ang mga tropa ng 4ID, PNP, at intel units dahil sa matagumpay na neutralisasyon ng isa pang wanted NPA leader sa Eastern Mindanao.

“Your exemplary job is a true source of inspiration for all Filipino people who strive to make the country better in pursuit of peace and development. Keep up the good work!” ani Almerol.

Follow SMNI News on Twitter

Leave a Reply

Your email address will not be published.