NAARESTO ng mga awtoridad sa pamamagitan ng ginawang joint law enforcement operation ang ika-pitong most wanted person sa Lanao del Sur at pang-apat na most wanted sa municipal level.
Sa bisa ng warrant of arrest, naaresto ng mga awtoridad sa Gensanville Subd., Brgy. Bula, General Santos City ang nasabing wanted person.
Ang nahuling suspek ay may kasong paglabag sa RPC Art. 248 (murder) na inihain ng 12th Judicial Region, RTC, Branch 8, Marawi City na walang pyansang inirekomenda.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Police Station 1 ng Gensan CPS ang nahuling wanted person para sa dokumentasyon.