Top German virologist, sinabing tapos na ang COVID-19 pandemic

Top German virologist, sinabing tapos na ang COVID-19 pandemic

SINABI ng top German virologist na si Christian Drosten na maaari nang maituring na tapos ang COVID-19 pandemic dahil sa isa na itong endemic disease.

Ayon kay German virologist Drosten na siya ring pinuno ng Charité University Hospital ng Berlin, nararanasan na ngayon ang unang wave ng endemic na SARS-COV-2 ngayong taglamig, at sa tantsa niya ay tapos na ang pandemya.

Ani Drosten, pagkatapos ng taglamig ay lalawak na ang immunity sa populasyon at hindi na mabubuhay ang virus sa kalagitnaan ng tag-init.

Samantala, sinabi ni Drosten na ang tagumpay ng Germany sa vaccination campaigns at iba pang European countries ang rason kung bakit natapos na ang pandemya.

Binanggit naman nito na hindi ito ang kaparehong kaso ng China kung saan mabilis at malawak pa rin ang pagkalat ng impeksyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter