SUMUKO ang isang mataas na lider ng communist terrorist group (CTG) na New People’s Army (NPA) at pito pang miyembro sa rehiyon ng CARAGA.
Kinilala si Ka Ramon, vice commanding officer sa ilalim ng Sentro de Grabidad Front 21/30 Westland, Northeastern Mindanao Regional Committee na nag-operate sa mga lugar ng Sibagat, Agusan del Sur, Butuan City, San Miguel, Surigao del Sur.
Sumuko rin sina Ka Merlyn, Ka Jan-Jan, Ka Soy-Soy, Ka Nelson, Marvin, Ka Mark, at Ka Gena sa Regional Intelligence Unit-13, Surigao del Sur Provincial Police Office, Agusan del Norte Provincial Mobile Force Company, Santiago Municipal Police Station, Kitcharao MPS, at RTR-MPS.
Kasama sa isinuko ang kanilang 2 units improvised shotgun, 1 riffle grenade, 2.38 revolvers, improvised explosive device, 1 M203 grenade.
“We extend a hand of peace to those who once stood against us. Their surrender represents a turning point, a moment of transformation and opportunity to live a peaceful life with their love ones,” ayon kay PBGen. Pablo G. Labra II, Regional Director-PRO-13.
Ayon kay Labra, handa silang tumulong para sa kapayapaan lalo na sa naging kalaban ng pamahalaan noon.
Ang pagsuko ng mga ito ay simbolo ng transpormasyon at oportunidad upang makapiling na nila ang kanilang mga mahal sa buhay sa mapayapang pamamaraan.