Torch relay para sa Tokyo Olympics, nagsimula na

TORCH relay para sa Tokyo Olympics sa bansang Japan nag simula na.

Matapos ang halos isang taong delay, pormal nang nagsimula ang official countdown para sa 2020 Tokyo Olympics ngayong araw sa pamamagitan ng pagdaraos ng Torch relay.

Nagsimula na ang Torch relay sa Tokyo Olympics sa Fukushima Prefecture kasabay ng pagsusumikap ng olympic organizers na magkaroon ng momentum sa pagbubukas ng nasabing global sporting event.

Ang simula ng olympic flame’s journey ay senyales ng pag-asa. Pahayag ni Seiko Hashimoto, head ng organising committee, “For the past year, as the entire world went through a difficult period, the olympic flame was kept alive quietly but powerfully,” pagsa-saad niya sa opening ceremony na dinaluhan lamang ng kaunti na bilang ng tao dahil sa pandemya.

“The small flame did not lose hope, and just like the cherry blossom buds that are ready to bloom, it was waiting for this day.”

Ang mga miyembro ng Nadeshiko Japan Soccer Team na nagwagi noong 2011 Women’s World Cup ang kauna-unahang runner sa relay matapos ang seremonya na ginanap ng walang tagapanoon sa J-national Soccer Training Center.

Ang ilan sa mga manonood ay hiniling na magsuot ng facemask, mag social-distancing at iwasan ang pagpalakpak at pagsigaw.

Ang opening ceremony na ito ay dinaluhan lamang ng limitadong bilang ng tao upang maiwasan ang coronavirus disease o COVID-19.

Samantala, aabot naman sa 10,000 Torch bearers ang tatakbo sa 859 na munisipalidad sa 47 prefectures sa bansa.

Lilibutin ng Torchrunners ang magagandang lugar sa Japan sa loob ng 121 na araw.

Ang relay na ito ay krusyal na oportunidad para sa organizing committee para kumbinsihin ang mga residente ng Japan na may kakayanan itong maglunsad ng ligtas na paglalaro sa bansa.

Ayon sa komite maaaring suspendihin nito ang relay sa ilang lugar o suspendihin ang ruta sa ilang programa kung maraming tao ang magtitipon sa mga kalsada.

(BASAHIN: Idadaos na Olympic sa Japan, pinangambahan ng mga residente ng bansa)

SMNI NEWS