Tory Lanez, inalok si Megan Thee Stallion ng $1M dahil sa pagbaril nito sa rapper

Tory Lanez, inalok si Megan Thee Stallion ng $1M dahil sa pagbaril nito sa rapper

IBINUNYAG ng rapper na si Megan Thee Stallion na inalok siya ng kapwa rapper nitong si Tony Lanez ng 1 million dollars upang hindi siya magsumbong sa pulis na binaril nito ang kanyang paa.

Si Lanez na ang tunay na pangalan ay Daystar Peterson ay pinabulaanan ang mga kasong isinampa sa kanya patungkol sa naging isyu nito kay Megan noong 2020 kabilang na ang assault with a semiautomatic firearm.

Sinabi ng hitmaker na si Megan na galing sila sa isang sasakyan ni Lanez kasama ang bodyguard nito at kaibigan niyang si Kelsey Harris matapos ang party sa Hollywood home ni Kylie Jenner nang magsimula ang kanilang pagtatalo.

Nagpumilit na lumabas si Megan ng sasakyan at dito na siya pinagbabaril ni Lanez kung saan siya tinamaan sa paa.

Matapos siyang tutukan at paputukan ni Lanez ay pinabalik siya umano nito sa loob ng sasakyan kung saan na ito humingi ng tawad at nagtangkang suhulan ng 1 million dollars kapalit ng kanyang katahimikan.

Sinabi rin ng prosecutor na parehong nagpositibo sina Lanez at Harris sa gun residue.

Follow SMNI NEWS in Twitter