Totoong dahilan ng opresyon kay Pastor ACQ ng Marcos Jr. gov’t, ipinaliwanag ng isang political writer

Totoong dahilan ng opresyon kay Pastor ACQ ng Marcos Jr. gov’t, ipinaliwanag ng isang political writer

ISANG political writer at commentator ang nagpaliwang kung bakit hinahabol ng gobyerno si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Kinumpirma mismo ni US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson na pumayag ang Pilipinas na dito iproseso ang papel ng mga Afghan refugee na ginamit ng Amerika bilang translator at informants nang makialam sila sa pamamahala sa Afghanistan.

2023 nang unang pumutok ang isyu at napaimbestigahan na rin sa Senado.

At para sa political writer at commentator na si Jun Abines, ang isyu sa Afghan refugees ang mitsa ng opresyon ngayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy at Vice President Sara Duterte.

“Dahil nag-ingay ang SMNI at si VP Sara against the plan of the United States to put Afghans in the Philippines. Actually, iyon ang pinakapulo’t dulo niyan to put aggrieve sa Pilipinas,” ayon kay Jun Abines, Political Writer and Commentator.

Saad ni Abines, may kumpas ng U.S. Deep State ang nangyayari ngayon sa bansa.

At ang mga imbestigasyon ng House Quad Comm sa mga Duterte ay diversion lamang patungkol sa totoong ginagawa ng Amerika sa Pilipinas.

“The Marcos administration under the dictation of the United States Deep State, wanted to divide this country. They want to make this country a chaotic place so that one day, kung gusto na nilang makipag giyera sa China, wala tayong capacity to resist,” paliwanag ni Abines.

Saad ni Abines, inaalis sa eksena ng US Government ang lahat ng nakikita nilang personalidad na makapagsasabi sa totoo nilang pakay sa Pilipinas.

Isa na diyan si Pastor Apollo na binuo ng Kingdom of Jesus Christ na may 7-milyong miyembro sa buong Pilipinas at iba’t ibang bahagi ng mundo.

Nakita ng US Deep State na independent ang KOJC sa gobyerno—at iisang boses lang ang pinakikinggan—at iyon ang Butihing Pastor.

At ayaw na ayaw ni Pastor Apollo na magpa-alila sa mga puti kaya vocal ito sa kaniyang mga pangangaral laban sa diskriminasyon ng mga Amerikano sa ating mga Pilipino.

“Si Pastor Quiboloy ang pinaka-example. Nakakulong si Pastor Quiboloy because he was strong. Kaya dapat tayong mga Pilipino, milyon tayong magsasalita. Kasi kapag hindi tayo nagsalita, I am almost sure, I am almost sure I will follow the footsteps of Pastor Quiboloy because nagsasalita siya laban sa US,” giit ni Abines.

Setyembre ngayong taon nang mangyari ang 16-day KOJC Siege—pangyayaring tumatak sa isip ng sambayanang Pilipino kaugnay sa kalupitan ng kasalukuyang gobyerno.

Ani Abines, kabaliktaran ang ginagawa ng administrasyon sa mga taong convicted, gaya ng drug mule na si Mary Jane Veloso na binigyan ng mala hero’s welcome ang pag-uwi sa bansa.

Dagdag pa riyan ang pag-testigo ng mga convicted criminal sa Quad Comm laban kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Biruin mo, these people are going after righteous people. Just like Pastor Quiboloy. He’s just serving his flock, he’s serving God tapos iyun ang binigyan ng 3 battalion just to persecute him? And they enter a holy place, a place of worship? Talagang a blatant abuse of human rights. Walang ginawa ang gobyerno natin,” aniya pa.

Habang may panahon pa, narito naman ang panawagan ni Abines sa liderato ng AFP at PNP:

Abines sa PNP at AFP: Sana magkaisa tayo habang may natitira pang panahon

“Sir, sana magkaisa tayo. Tulungan natin ang Pilipinas dahil darating ang panahon, hindi lang si Pastor Quiboloy, hindi lang si VP Sara o si President Digong ang ikukulong nila, lahat tayo ikukulong nila,” giit nito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter