MATAPOS ang pag-anunsiyo ng pansamantalang touring hiatus ng hitmaker at pop star na si Justin Bieber ay kinansela naman na ang tour dates ng singer.
Ayon sa website ng Ticketmaster, lahat ng concert ni Bieber sa United States, Ireland at France ay kanselado na.
Hindi naman nagbigay ng kahit na anong rason si Bieber o ang representatives nito para sa opisyal na kanselasyon ng kanyang concert.
Matatandaan na inanunsiyo ng superstar na pansamantala itong hihinto sa pagpe-perform noong nakaraang taon dahil sa na-diagnose ito ng Ramsay Hunt syndrome na isang komplikadong sakit na nagsanhi ng kanyang partial facial paralysis.