TUMANGGAP ng P200,000 na livelihood assistance ang isang community-based tourism organization na kinabibilangan ng mga Aeta sa Barotac Viejo, Iloilo City.
Pormal na itinurn-over ng Department of Tourism (DOT) ang nasabing assistance sa Nagpana Minorities Association nitong Hunyo 18.
Ayon sa DOT, bahagi ang aktibidad sa direktiba ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco na mabigyan ng pantay-pantay na tourism development sa buong bansa.
Kilala ang Sitio Nagpana sa Barotac Viejo sa mga residente nito na miyembro ng Aeta community.
Gayundin, ang lugar ay nagbibigay ng nakamamanghang tanawin ng Nagpana Falls at mga tanawin ng bundok pati na rin ang papel na ginagampanan nito sa masiglang turismo ng rehiyon ng Kanlurang Visayas.