Tourism Sec. Christina Garcia-Frasco at Cong. Duke Frasco, nagkasal ng 62 mag-pares sa Carmen, Cebu

Tourism Sec. Christina Garcia-Frasco at Cong. Duke Frasco, nagkasal ng 62 mag-pares sa Carmen, Cebu

LOVE is in the air nitong weekend sa Carmen Cebu matapos sabay-sabay na ikasal ang 62 na mag-pares.

Para doon sa mga puno sa pagmamahal pero walang budget, sa ‘Kasalang Bayan’ ang kapit.

Kaya naman, 62 na mag-pares sa Carmen, Cebu nitong weekend ang kasali sa Kasalang Bayan.

Tulad ng senior citizens na sina Lucena at Manolito na naghintay ng 42 taon bago maikasal.

“Dahil sa kawalan ng pera. Maliit lang ang kita sa trabaho,” ayon kina Lucena at Manolito Saneco, kasama sa Kasalang Bayan.

Ganito rin ang istorya nina Vabelou at Rechel Roiles na 18 years na nag-antay bago mag-isang dibdib.

“Yes, thankful at masaya and puno ng pag-ibig,” ayon naman kina Vabelou at Rechel Roiles, kasama sa Kasalang Bayan.

Ang proyekto ay sa pangunguna ni Deputy Speaker Duke Frasco ng Cebu 5th District.

At ang budget niya sa Kasalang Bayan, aabot sa P1-million mula sa personal savings nito.

Magmula pre-nup seminars, marriage registration, church wedding, food and reception, lahat libre para sa mga residente.

At highlight ng kasalang bayan ang pagdalo ni Tourism Sec. Christina Garcia-Frasco.

Kaya ang working couple, nanguna sa seremonya.

Sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority, mas maraming Pinoy ngayon ang nagsasama bilang live in partners o 15% ng Philippine population.

Dati umano itong 9% noong 2015 o katumbas 5 million dagdag na unmarried Filipino couples.

Pinakarami sa mga mag-live in ay nakatira sa Metro Manila na nasa 20%.

Habang pinakamaliit na bilang ay nasa Bangsamoro Autonomous Region (BARRM) naman na nasa 0.8%.

“Ang disadvantage niyan, number 1, kung may anak sila yung anak nila hindi magiging legitimate children but only illegitimate children” pahayag ni Atty. Mark Tolentino, Family Law Expert, Pinoy Legal Minds Program.

“Pag live-in partners walang conjugal property, ibig sabihin ng walang conjugal property kung based on actual contribution lang, ibig sabihin kung si lalaki lang ang nakabili ng property, pagnagka-hiwalay sila kay lalaki lang yon,” dagdag ni Tolentino.

“Maraming salamat sa pagtulong na makasal kami. Salamat, salamat, salamat po talaga,” dagdag nina Lucena at Manolito Saneco.

“Cong, from the bottom of our hearts, thank you and I hope nga di po kayo magsasawang tumulong po sa amin. Salamat po Cong…” ayon naman kina Vabelou at Rechel Roiles, kasama sa Kasalang Bayan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter