Tourism workers na apektado ng anumang kalamidad, prayoridad na makatanggap ng tulong mula sa DOT at DSWD

Tourism workers na apektado ng anumang kalamidad, prayoridad na makatanggap ng tulong mula sa DOT at DSWD

PRAYORIDAD na makatatanggap ng tulong ang mga tourism worker na apektado ng anumang kalamidad mula sa Department of Tourism (DOT) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Iyan ay matapos lumagda sa isang Memorandum of Agreement ang DOT at DSWD para sa programang bayanihan sa bukas na may pag-asa sa turismo.

Sa ilalim ng kasunduan, ang DOT ang magbibigay ng libre at alternatibong livelihood training para sa mga apektadong manggagawa sa sektor ng turismo sa panahon ng kalamidad.

Maaaring i-avail ang mga ibat’ ibang pagsasanay gaya ng culinary training, paghihilot, paggawa ng mga pasalubong, at iba pang tourism-related na trabaho.

Matapos ang training, ang dswd naman ang magbibigay ng financial assistance.

‘’Magiging priority ang mga tourism workers natin kasi alam natin karamihan sa kanila ay nasa bahagi ng marginalized at vulnerable sectors lalo na sa mga tourism workers na nasa farflung areas,’’ ayon kay Sec. Rex Gatchalian.

‘’Kapag nangyari yung kalamidad at nawalan ng trabaho at livelihood yung ating tourism worker dahil naapektuhan yungnlugar kuhg saan siya nagtatrabaho ay in the transition period between the calamity and rexovery magkakaroon na siya ng kabuhayan,’’ saad ni Sec. Christina Garcia Frasco.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter