Tourist destinations sa Pilipinas, tampok sa LED display ng Times Square sa New York

Tourist destinations sa Pilipinas, tampok sa LED display ng Times Square sa New York

TAMPOK sa malaking LED display sa Times Square, New York, USA ang ilang tourist destinations ng Pilipinas.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), bahagi ang strategy sa ‘Love the Philippines’ campaign nila para isulong ang world-class destinations ng bansa.

Umaasa naman na magbubunga ito lalo na’t inaasahan ang pagdagsa ng milyun-milyong turista sa New York ngayong holiday season.

Maliban sa LED display, makikita rin ang ‘Love the Philippines’ banner sa mga taxi sa New York City.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter