MALULULA ka sa daming puwedeng gawin at puntahan sa Quanzhou City sa Fujian Province, China.
Naging exchange hub kasi ang Quanzhou ng iba’t ibang kultura, relihiyon at produkto noong Song at Yuan Dynasty bilang pinakamalawak na port sa silangan.
Kaya naman ang lungsod ay kinilala rin noong Hunyo 25, 2021 bilang isang World Heritage Site.
Pasilidad tampok ang iba’t ibang produkto ng Quanzhou, China, bukas na sa publiko
Mula sa aming hotel, sumakay kami sa electric vehicle patungo sa iba’t ibang tourist spot sa lungsod.
Binisita namin ang sikat na Kaiyuan Temple, ang pinakamalawak na Buddhist Temple sa Fujian Province.
Noong 2021, ang nasabing templo ay sinama sa listahan ng UNESCO World Heritage.
Sa loob ng complex ay matatagpuan din ang Zhengou Pagoda na may taas na higit 158 feet at isa sa mga pinakamataas na pagoda na gawa sa bato noong Song Dynasty na naipreserba hanggang ngayon.
Maari ding bisitahin ang isang memorial hall tampok ang buhay at mga kontribusyon ni Master Hong Yi na iniwan ang kaniyang buhay sa mundo upang maging monghe.
Subukan din dapat ng mga turista ang magshopping sa Zhongshan Road.
Kapag nasa Quanzhou, huwag din palagpasin ang pagkakataon na matikman ang mga lokal na pagkain sa lungsod.
At kahit saan ka magpunta, may mga libreng tsaa para sa mga turista.
Pasilidad tampok ang iba’t ibang produkto ng Quanzhou, bukas na sa publiko
Samantala, isang bagong pasilidad naman ang binuksan sa Quanzhou nitong Hunyo ngayong taon para sa publiko.
Nandito tayo ngayon sa exhibition center dito sa Brand Release Center sa Quanzhou sa Fujian Province sa China.
Dito matatagpuan ang iba’t ibang produkto na nais ipakilala ng Quanzhou sa buong mundo. Target din nila na maitaas ang investment sa pamamagitan ng lugar na ito.
“It’s like to provide a one-stop exhibition for the whole Quanzhou. So people can come here and know which area of Quanzhou can provide. And also to promote and attract investment,” pahayag ni Wendy Wu, Anchor, Quanzhou Maritime Silk Road International Communication Center.
Tampok sa Brand Release Center ang mga mabibiling produkto sa Quanzhou tulad ng pagkain, condiments, porselana, mga damit at wood carvings.
Ibinibida rin sa nasabing pasilidad ang magandang ekonomiya ng Quanzhou at kung bakit magandang mag-invest sa lungsod.
Tourist spots sa Quanzhou, isinara dahil sa Bagyong Doksuri
Samantala, dahil sa Bagyong Egay na may international name na Doksuri, isinara ang lahat ng tourist spot sa Quanzhou simula noong Hulyo 26.
Hindi pinapayagan ang mga turista na lumabas ng kanilang mga hotel sa gitna ng nararanasang bagyo.
Ramdam sa lungsod ang malakas na buhos ng ulan at bugso ng malakas na hangin dulot ng Bagyong Doksuri.