MAS magaganda at mas maraming produkto, mas mataas na kita, at mas maraming trabaho ang inaasahang dulot ng Handloom Weaving Innovation Hub sa Vintar, Ilocos Norte, na inilunsad nitong Enero 28 sa tulong ng DOST-PTRI, munisipyo ng Vintar, at DOST Region 1.
Patunay ito ng suporta ng pamahalaan sa pag-unlad ng lokal na industriya.