Trabaho at klase sa ilang lugar sa Mindanao, suspendido dahil sa Bagyong Kabayan

Trabaho at klase sa ilang lugar sa Mindanao, suspendido dahil sa Bagyong Kabayan

SUSPENDIDO ang trabaho at klase sa ilang lugar sa Mindanao dahil sa posibleng epekto ng Bagyong Kabayan.

Nagdeklara na ng suspensiyon sa trabaho sa gobyerno at klase, sa lahat ng lebel ang lokal na pamahalaan ng Panabo City, Davao del Norte ngayong araw Disyembre 18, 2023.

Wala ring trabaho sa gobyerno at pribado sa buong probinsiya ng Surigao del Sur habang ang klase ay mananatili sa modular o online learning modality sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan.

Hindi naman kabilang ang lahat ng ahensiya at tanggapan ng gobyerno na may mga tungkuling paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa health, preparedness/response at iba pang mahahalagang serbisyo sa panahon ng kalamidad.

Samantala, inanunsiyo rin ng North East Mindanao State University (NEMSU-Lianga campus na ang kanilang final exam ay inilipat sa Disyembre 27–28, 2023, sa pamamagitan pa rin ng online mode.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble