ISANG magandang oportunidad sa mga Pasayeño na naghahanap ng trabaho.
Naghahanap ang The Coffee Bean and Tea Leaf ng mga sumusunod: barista, dinning staff, line cook, dishwasher, pest control technician, housekeeping, production assistant, baker, at driver.
Magsasagawa ng face-to-face interview ang PESO-Pasay na gaganapin sa March 15, 2023.
Magsimula ito ng alas-9 ng umaga hanggang ala-una ng hapon sa Pasay Public Employment Service Office (PESO), Room 310, 3rd Floor Pasay City Hall.
Ang programa ay bahagi ng H.E.L.P. Program ni Mayor Emi Calixto-Rubiano.
Dalhin lamang ang updated na resume at sariling ballpen at sundin ang mga health protocols na ipinapatupad.
Para sa karagdagang impormasyon, puntahan ang official Facebook page ng PESO-Pasay.