MAGPAPATULOY ang trabaho ng Office of the Vice President (OVP) anuman ang ibibigay na budget ayon kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang press conference, sinabi ni VP Sara na hindi na siya umaasa na maibibigay ang higit dalawang bilyong pisong panukalang budget nila para sa 2025.
Hindi na aniya ito mahahabol dahil pagdating sa bicam kung saan nandoon ang Senado at House of Representatives ay dalawa lang din ang nasusunod – si Zaldy Co at si Martin Romualdez.
Matatandaan na mahigit P733 milyon na lang ang inirerekomenda ng House Committee on Appropriations para sa budget ng OVP sa susunod na taon.