Trabaho sa ilang hukuman na tatamaan ng bagyong Florita, sinuspinde na ng Korte Suprema

Trabaho sa ilang hukuman na tatamaan ng bagyong Florita, sinuspinde na ng Korte Suprema

KANSELADO o walang pasok sa trabaho ang ilang mga hukuman sa bansa dahil sa bagyong Florita.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office, lahat ng korte sa Vigan City, Ilocos Sur ay suspendido ang pasok.

Suspendido rin ang trabaho sa Santiago City, Isabela RTC at MTCC, Cordon-Dinapigue MCTC, at Ramon-San Isidro, Isabela MCTC.

Gayundin, sa lahat ng mga korte sa Lingayen Pangasinan Hall of Justice.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng heavy to intense rains o kaya ay torrential rains ang Cagayan, Isabela, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, at Zambales.

Follow SMNI NEWS in Twitter