Traffic na idinulot ng BBM-Sara motorcade, isinisi sa QC-LGU ni Mayoral Aspirant Mike Defensor

ISINISI sa QC-LGU ang traffic na idinulot ng BBM-Sara motorcade ni Mayoral Aspirant Mike Defensor.

Dahil sa dami ng tao, nanawagan ang Quezon City Government sa organizers na pangalagaan ang kalusugan ng mga dumalo.

“Umapela ang lokal na pamahalaan sa organizers ng BBM-Duterte Uniteam motorcade at culminating program na pangalagaan ang kaligtasan ng mga sasali sa motorcade ngayong araw, at ng mga residente ng Quezon City na maapektuhan ng pagtitipon,”ayon sa Quezon City Government.

Ikinalungkot rin ng QC LGU ang pagtanggi ng organizers na makipag-ugnayan sa gagawing event.

Naglaan raw kasi sila ng mga pulis, at iba pang force multipliers pati emergency vehicles para magbantay.

“Ikinalungkot ng lokal na pamahalaan na tila nag bago ng isip ang organizer ng motorcade at tumangging makipag-coordinate sa lokal na pamahalaan, sa kabila ng pulong noong Lunes kung saan tiniyak ng lungsod ang pagpapakalat ng hindi bababa sa 1,000 pulis at tauhan ng DPOS, DRRMO, Task Force Disiplina at BFP,”saad nito.

“Well una sa lahat hindi sila dapat malungkot dahil kung hindi nila kami dinenay at nagkagulo-gulo kami sa schedule doon sana kami sa Plaza Aurora pero kami naman siguro blessing in disguise din na talaga namang sa tingin ko kahit sa Plaza Aurora at sa Quezon Memorial Circle ay hindi kakasya ang ganun kalaking dumalo,”ayon kay Rep. Mike Defensor.

“Well ako, yung pagkulungkot nila eh syempre kami din naman ang amin namang reklamo noong umpisa pa lamang sana hindi naging ganyan kung pinayagan nila kagad si BBM at Inday Sara doon sa Plaza Aurora sa Quezon Memorial Circle,”dagdag ni Defensor.

Nauna nang sinabi ni Defensor na noong 2016 elections, hindi nakapangampanya si Bongbong sa Quezon City.

Pagkatapos ng motorcade, pinangunahan naman ni Mayor Sara ang pagbubukas ng KISLAP headquarters sa QC.

Bukas, tutungo naman ng Cavite ang BBM-Sara tandem.

SMNI NEWS