AVAILABLE na ang trailer ng panibagong South Korean romantic comedy/zombie horror series na ‘Newtopia’ kung saan bida si Jisoo ng Blackpink.
Kasama naman ni Jisoo dito ang aktor na si Park Jeong Min.
Sa Pebrero 7, 2025 ang magiging premiere ng “Newtopia’ sa iba’t ibang bansa kasama na ang Pilipinas.
Ito na muli ang pagbabalik ni Jisoo sa isang acting project matapos ang launching ng kaniyang personal management label na ‘Blisoo’ noong Pebrero 2024.
Samantala, inilabas na rin ang trailer ng South Korean action/thriller film na ‘Holy Night: Demon Hunters’.
Pinagbibidahan ito ni Ma Dong Seok na naging tampok na noon sa ‘Train to Busan’ at ‘The Roundup’ at Seohyun ng Korean girl group na Girls’ Generation.
Sa anunsiyo, matutunghayan ang pelikula sa Abril 30.