INILABAS na sa Netflix ang official trailer ng real-life “Squid Game”.
Ang competition series na may pamagat na “Squid Game: The Challenge” ay may kabuuang 456 na players gaya sa bilang ng mga manlalaro sa Korean hit movie kung saan ito nakabatay.
Ang papremyo ay aabot sa 4.56-M dollars.
Tampok na challenge sa real-life competition series ang sikat na Red Light, Green Light Robot Doll, ang Dalgona Game at maging ang Marble Game.
Sa Nobyembre 22, aasahang ipalalabas na ang full real-life Squid Game competition series.