ISANG araw bago ang Araw ng mga Puso ay namahagi ng mga bulaklak sa mga pasahero ng LRT-1 Central Station sa lungsod ng Maynila ang mga train operators ng Light Rail Manila Corporation (LMRC).
Sinorpresa ng mga train operator ng LRT-1 ang kanilang mga pasahero sa bisperas ng Araw ng mga Puso.
Namigay kasi ang mga ito ng bulaklak na rosas sa mga kababayang pasahero na tumitigil sa LRT-1 Central Station sa lungsod ng Maynila.
Regardless kung mayroon o wala silang asawa, kasintahan o di kaya’y mga broken hearted.
Gaya ni Nanay Luzviminda na nagmula pa sa Laguna, napawi ang pagod niya sa pagbibiyahe nang sorpresang sumalubong sa kanya ang iniabot na rosas ng isang train operator.
“Surprise na surprise, thank you very much, hindi ko po ito makakalimutan,” ayon kay Luzviminda, pasahero ng LRT-1.
Pati na rin si Diane at ang magkapatid na si Cristy at Alice, gulat man pero natuwa ito sa sorpresang bulaklak.
“Masaya po kasi wala ang husband ko..nasorpresa po ako,” ayon naman kay Diane, pasahero, LRT-1
Ayon sa pamunuan ng LRMC, isa lang ang kanilang ginawang aktibidad na ito sa maraming mga pakulo nila batay sa kung ano ang mga okasyon sa bansa para sa kanilang mga mananakay.