MULING pinalawig ng Toll Regulatory Board (TRB) ang transition period para sa pagpapatupad ng cashless at contactless toll collection system.
Layon nito na mabigyan ng mas mahabang panahon ang mga motoristang hindi pa nakakapagpakabit ng Radio Frequency ID sticker.
Dahil dito, pahihintulutan pa rin ang cash payment sa mga toll way at hindi muna huhulihin o pagmumultahin ang mga motoristang wala pang RFID sticker.
Ayon kay TRB spokesman Julius Corpuz, makatutulong ito upang maisaayos na ng toll operators ang ilan pang aberya ng sistema gaya ng real-time reloading.
Magugunitang maraming motorista ang umalma sa aberyang naranasan sa pagpapatupad ng cashless transaction gaya ng problema sa reloading at hindi mabasang sticker na nagresulta ng matinding trapiko sa toll way plazas.