MAGKAKAROON ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng pagtaas sa transmission charge ngayong buwan.
Sa kanilang paliwanag, aabot na sa 54 sentimos kada kilowatt-hour ang transmission wheeling rates mula sa noo’y 53 sentimos kada kilowatt-hour.
Ang transmission wheeling rates ay ang sinisingil ng NGCP para sa kanilang paghahatid ng suplay ng kuryente.
Maliban pa dito, tumaas din ng 12% ang ancillary service ng NGCP.
Mula 59 sentimos kada kilowatt-hour, nasa 66 sentimos na ito ngayon.
Ang ancillary service ay nagsisilbing reserbang generation capacity sakaling magkaroon ng aberya sa transmission o power generation.
Dahil sa mga factor na ito, sa kabuuan ay nasa P1.35 kada kilowatt-hour ang transmission charge mula sa noo’y P1.25 kada kilowatt-hour.