BINABAAN na ng Japan sa kasalukuyan ang kanilang travel advisory levels sa ilang bahagi ng Mindanao.
Mula Alert Level 2 ay nasa Alert Level 1 na lang ang Davao Region kung saan sakop ang Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao del Sur, at Davao Occidental.
Nasa Alert Level 1 na lang din ang Surigao City at ang natitirang bahagi ng Misamis Oriental.
Mula naman sa Alert Level 3 ay Alert Level 2 na ang Malungon, Alabel, Malapatan, at Glan sa Sarangani Province.
Epektibo na ito noong Disyembre 19, 2024.
Para sa Department of Tourism (DOT) isang magandang development ito bilang patunay na kahit papaano ay hindi mapanganib gaya ng inaakala ng karamihan ang katimogang bahagi ng bansa para sa mga turista.