POSIBLENG irerekomenda na ng Philippine Embassy ang pagluluwag ng travel advisory ng gobyerno papuntang Israel.
Ito ay kung mahigpit na susundin ang napagkasunduan na 60-day ceasefire ng Hezbollah Militant Group ng Lebanon at Israel.
Sa ngayon ay nasa Alert Level 2 pa ang travel advisory ng Pilipinas sa naturang Jewish country.
Ibig sabihin, ipinagbabawal ang non-essential travel papunta sa Israel maging ang deployment ng bagong Filipino workers doon.