Travel ban sa 10 bansa, aalisin na simula ngayong araw

Travel ban sa 10 bansa, aalisin na simula ngayong araw

AALISIN na ang travel ban sa sampung bansa simula ngayong araw.

Ito’y na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na alisin ang travel ban sa naturang mga bansa.

Ang sampung mga bansa ay ang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand , Malaysia at Indonesia na aalisin na ang travel ban.

Kaugnay nito, inaprubahan din ng IATF ang pagkakaroon ng yellow at red classifications bukod pa sa tinatawag na green countries.

Ang yellow list countries ay ang mga itinuturing na ‘moderate risk’ habang ang red list ay ‘high risk countries’ sa COVID-19.

Ang mga inbound international travellers ay kailangan pa ring sumailalim sa 14 days quarantine pagdating sa bansa at kailangan ding sumailalim sa RT-PCR testing sa ika-7 araw mula nang dumating sa bansa.

Kailangan din nitong tapusin ang sampung araw na quarantine kahit nagnegatibo sa COVID-19.

Samantala, tanging ang mga pauwing Filipino sa pamamagitan ng government-initiated repatriation, non-government-initiated repatriation, at bayanihan ang papayagang makapasok sa bansa pero kailangan pa rin nilang sumailalim sa entry, testing at quarantine protocols.

 

SMNI NEWS