TRAVEL bubble ng bansang Australia at Singapore sumasailalim na sa pagsasagawa ng proposal at pagsusuri.
Bansang Australia at Singapore nagusap sa posibleng pagsagawa ng air travel bubble, pagpayag sa paglalakbay sa pagitan ng dalawang bansa nang hindi nangangailangan ng quarantine.
Samantala, gusto namang mabuksan muli ang border na halos isinara ng mahigit sa isang taon dahil sa COVID-19 pandemic.
Parehong kontrolado ng parehong bansa ang virus, sa tulong ng international border closures, lockdowns at mahigpit na social-distancing rules.
Vaccination certificates at pagpapatuloy ng paglalakbay na prioridad ang studyante , business travellers napagusapan ng bansang Singapore at Australia. Pahayag ng Singapore Foreign Ministry
“We are working with Singapore at the moment, potentially for a bubble in July,” saad ni Australia’s Deputy Prime Minister Michael McCormack sa Australian Broadcasting Corporation.
Isinasaayos na ng gobyerno ng Australia ang pagkakaroon ng travel bubble sa bansang Singapore. Ito ay kasunod ng panawagan ng Prime Minister ng Singapore na umaasa itong makakapagsimula na sa pagbubukas ang bansa kasabay ng malawakang pagbabakuna rito.
Kung matutuloy ito, maaaring gawin ng Canberra na quarantine gateway ang Singapore para sa mga pasahero na pupunta ng Australia.
Sa ilalim ng proposal na ito, ang mga Australian ay papayagang makabiyahe sa Singapore kahit walang approval ng Home Affairs Department kung ito ay nabakunahan na kontra COVID-19.
Singapore isang sentro ng transportasyon sa Asya, ay masigasig na muling buhayin ang industriya ng paglalakbay at turismo. matapos na maging kontrolado ang infection ng COVID-19.
Ito ay unilaterally easing quarantine na kinakailangan para sa mga manlalakbay mula sa Australia at sa iba pang bansa gaya ng New Zealand at China.
Kaugnay nito, ang mga residenteng naninirahan sa Singapore na nabakunahan ay maaaring magbyahe sa Australia ng hindi sumasailalim sa dalawang araw na hotel quarantine.
Samantala, magiging posible rin ang pagbibiyahe ng mga indibidwal na papasok sa Australia sa pamamagitan ng Singapore matapos makumpleto ang quarantine sa Asyanong bansa.
(BASAHIN: Australia, tuluyang sinuspinde ang defense cooperation sa Myanmar)