Travel mask mandate, mas pahahabain sa gitna ng pagtaas ng COVID sa USA –CDC

Travel mask mandate, mas pahahabain sa gitna ng pagtaas ng COVID sa USA –CDC

MAS pinahaba ng Center for Disease Control and Prevention ang mandato sa pagsuot ng mask para sa susunod na 15 araw dahil sa pagtaas ng mga kaso ng Omicron at COVID sa United States of America (USA).

Inanunsyo ng administrasyong Biden na mas palalawigin nito ang nationwide mask mandate para sa mga pampublikong sasakyan sa loob ng labinlimang araw habang sinusubaybayan ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.

Pinalawig ng Centers for Disease Control and Prevention ang travel mask mandate hanggang Mayo 3, na orihinal na nakatakdang mag-expire sana sa Abril 18, para bigyang-daan ang mas maraming oras para pag-aralan ang BA.2 Omicron subvariant na responsable na ngayon para sa karamihan ng mga kaso sa Estados Unidos.

Ang Transportation Security Administration na nagpatupad ng panuntunan para sa mga eroplano, bus, tren at mga transit hub na nagpalawig ng requirement noong nakaraang buwan, ay nagsabi na ang CDC ay planong maglunsad ng isang mas madaling mga paraan sa pagpapatupad ng pag-mask na kinakailangan sa buong bansa.

Dahil sa strain ng BA.2, nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa mga kaso nitong mga nakaraang linggo, na may araw-araw na kumpirmadong kaso sa buong bansa na tumataas mula sa humigit-kumulang 25,000 bawat araw hanggang sa higit sa 30,000 kaso.

Ang mga bilang na ito ay maaaring mababa pa dahil maraming tao ngayon ang nagpositibo sa mga pagsusuri na ginawa kanilang bahay at hindi iniuulat sa mga ahensya ng pampublikong kalusugan.

Ang mga panuntunan sa pagsuot ng mask ay ang pinaka nakikitang paraan ng mga paghihigpit ng gobyerno ng Amerika upang makontrol ang pandemya, gayon pa man ito ang pinakakontrobersyal.

Follow SMNI NEWS in Twitter