Travel restrictions sa mga bansang may new COVID-19 variant, pinalalawig pa

MAS pinalalawig ng pamahalaan ang travel restrictions nito sa mga bansang may kaso ng bagong variant ng COVID-19 hanggang Enero 31, 2021 ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang direktibang ito ay epektibo sa mga sumusunod na bansa:

United Kingdom, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, The People’s Republic of China kabilang na ang Hong Kong Special Administrative Region, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain, United Stated of America, Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, Brazil, Austria, Pakistan, Jamaica, Luxemborg, at Oman.

Sinabi din ni Roque na pag-iigtingin din ang contact tracing protocols sa pamamagitan ng pagpapalawak nito sa third-generation contact para sa mga new variant cases.

Ipinag-utos din sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na ihanda ang lahat ng quarantine facilities at ang paggamit ng Staysafe.ph para sa contact tracing.

Lahat ng mga darating na biyahero sa lahat ng bansa na magpopositibo sa COVID-19 ay sasailalim sa whole genome sequencing na isinasagawa ng Department of Health, University of the Philippine Genome Center, at ng UP-National Institutes of Health.

Ang pagpapalawig ng extension ng travel restrictions ay ipinatupad matapos na magpositibo sa bagong variant ng COVID-19 ang isang lalake na residente ng Quezon City na nanggaling sa Dubai, United Arab Emirates.

SMNI NEWS