TRB, itinanggi na ipinag-utos nito ang pansamantalang pagsasara ng Skyway Stage 3

ITINANGGI ng Toll Regulatory Board (TRB) na ipinag-utos nito ang pansamantalang pagsasara ng Skyway Stage 3.

Ito ang naging sagot ng TRB matapos inanunsyo ng San Miguel Corporation kagabi ang indefinite closure ng Skyway Stage 3 simula mamayang alas 5 ng hapon sa utos umano ng ahensiya.

Sa inilabas na pahayag ng TRB, nilinaw nito na ang posisyon ng ahensya at kanilang management ay panatilihing bukas ang nasabing skyway para sa benepisyo ng lahat ng motorista.

Binubuo ang TRB ng Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Finance (DOF), National Economic and Development Authority (NEDA), at kinatawan mula sa private sector.

(BASAHIN: Stage 3 ng Skyway Project, maaari nang magamit ng mga motorista)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.