MAGPAPATUPAD ang Tollway Regulatory Board (TRB) ng 3-strike policy laban sa mga motoristang umaabuso sa cashless toll collection ayon sa opisyal ng Department of Transportation (DOTr).
Sinabi ni Transportation Undersecretary for Finance Garry Guzman na mayroong mga Radio-Frequency Identification (RFID) sticker users na pumapasok ng mga lanes nang walang load.
Ani De Guzman, dahil marami ang gumagamit ng RFID users ay marami na rin ang gumagamit ng RFID system nang walang load.
Dagdag nito, mayroong mga statistics na binigay ang mga toll operators na may mga motoristang 50 hanggang 200 beses na pumapasok nang walang load.
Dahil dito ay napagkasunduan ng TRB na magsagawa ng massive information campaign at magpatupad ng strike three policy kung saan huhulihin ang motoristang papasok ng RFID lanes nang walang load ay papatawan ng karampatang parusa.