Tree Planting Activity, isinagawa sa Brgy. Caucab, Almeria, Biliran bilang tugon sa illegal logging

Tree Planting Activity, isinagawa sa Brgy. Caucab, Almeria, Biliran bilang tugon sa illegal logging

ISINAGAWA ang “One Tree, One Nation” Tree Planting Activity na inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa isang lugar na malapit sa komunidad ng indigenous people sa Brgy. Caucab, Almeria, Biliran.

Patuloy na suliranin sa lugar ang ilegal na pagputol ng puno at pagkasira ng kagubatan dulot ng mga bagyo, kaya’t napili ito ng lokal na pamahalaan na pagtaniman ng puno.

Nakiisa sa makakalikasang aktibidad ang mga lokal na opisyal, Bureau of Fire Protection, PNP, MENRO. at Sangguniang Kabataan.

Sama-samang nagtanim ang mga volunteer ng punong bitanghol at hindang —mga punong likas na tumutubo sa kabundukan na kilala ring matibay.

Ang mga punong ito ay hindi lang magbibigay proteksiyon tuwing may bagyo, kundi magsisilbi ring tahanan ng mga wild bird.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan at mga volunteer sa inisyatibong ito ni Pastor Apollo upang umusbong muli ang luntiang kagubatan sa lugar.

 

 

#OneTreeOneNation

#KalinisanTatagNgBayan

#PastorApolloParaSaKalikasan

#ParaSaDiyosAtPilipinasKongMahal

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble