Tree planting activity ng Sonshine Philippines Movement sa Antipolo, isinagawa bilang solusyon sa pagbaha

Tree planting activity ng Sonshine Philippines Movement sa Antipolo, isinagawa bilang solusyon sa pagbaha

NAGBAYANIHAN ang iba’t ibang sektor sa isang malaking tree planting activity nitong weekend sa Antipolo Rizal.

Sa Facebook post ng netizen na si Marie, inakala niya na hindi aabutin ng baha ang Antipolo Rizal.

Ang Antipolo ay isang high lying area, malayo sa anumang anyong tubig.

Pero, hindi ito nakaligtas sa paghagupit ng Bagyong Enteng nito lamang Setyembre.

Pito ang nasawi at apat ang nawala sa Antipolo dahil sa Bagyong Enteng.

Tatlo sa mga nasawi ay natabunan ng lupa dahil sa pagguho ng lupa kung saan isa sa mga ito ay buntis mula sa Brgy. San Jose.

Dalawa naman sa mga ito ay batang magkapatid na natagpuan pang magkayakap nang marekober matapos mabaon sa makapal na putik at bumagsak na mga puno.

Bilang bahagi ng solusyon sa matinding pagbaha, sa Antipolo City isinagawa nitong Sabado, Nobyembre 16, 2024, ang “One Tree, One Nation”—Nationwide Tree Planting Activity ng Non-Government Organization (NGO) na Sonshine Philippines Movement (SPM).

Mahigit sa isang libong SPM volunteers ang nakiisa sa aktibidad at nagtanim ng narra seedlings.

“As much as possible, lahat tayo makiisa sa pagtatanim ng mga puno,” ayon kay Violeta Faiyas, Office of Antipolo City Mayor Jun Ynares.

2005 pa ito ginagawa ni Pastro Apollo sa ilalim ng SPM at bawat may tree planting activity, ang SMNI ay hindi pinalalampas ang pagkakataon na makiisa sa adbokasiya na ito ng Butihing Pastor.

Bukod sa volunteers ng SPM, may mga pribadong kompanya rin na nakiisa sa nasabing aktibidad.

“Sobra po kaming nagpapasalamat sa pag-invite po sa amin,” wika ni Christian Polcaba, Business Development Manager, JuanPay.

“Besides po in staying office, ‘yun po nagkaroon po kami ng chance na makatulong din para sa Pilipinas,” sa pahayag ng NWOW Philippines.

Sa datos ng globalforestwatch.org, mula 2002 to 2023, nasa 97 hectares ng humid primary forest ang nawala sa lugar dulot ng massive deforestation.

Nabawasan din ng 9.9% ang primary forest sa siyudad.

Ang massive tree planting project ang gustong dalhin sa Senado ni Senatorial Aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Ito ang ginawa ng Butihing Pastor sa Glory Mountain at Prayer Mountain sa Davao City.

Ang nakalbong kabundukan, pinuno ni Pastor Apollo ng pine trees kaya walang landslide.

“Parehas ng Glory Mountain, Prayer Mountain andiyan na ang climate na mabuti. Masyado nang malamig diyan—hindi na mainit. Maliit pa lang ‘yan, ang buong mundo gusto kong maging ganyan,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Senatorial Aspirant.

“Masa po kami at naging part po kami… ito po yung turo sa atin ni Pastor—mahalin ang kalikasan,” ayon kay SPM volunteers.

Senatorial Aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy, pinasalamatan sa tree planting activity sa Antipolo, Rizal

Nagpasalamat naman ang Antipolo City Government sa SPM at kay Pastor Apollo dahil napili nito ang kanilang siyudad na maging venue ng malakihang tree planting activity.

Nagpasalamat din sa Butihing Pastor ang SMNI anchor na si Master Judea ng Banateros Brothers.

“Dito rin itatanim sa kagubatan na ito 1,000 hectares po ang pupunuin natin. So, gusto ko lang sabihin sa inyo na gusto rin namin na makasama kayo kasi itong planet po ay hindi sarili ko—pangkalahatan po ito na kung ano po ang aking nalalanghap na hangin, ‘yan din po ang nalalanghap ninyo,” dagdga ni Faiyas.

Kapag maraming nagtanim niyan sa loob ng isa o limang taon, itong puno na tinamin natin hihigup to ng tubig na galing sa ulan magbabawas ng tubig na dadalhin doon sa baba.

Bukod sa Antipolo, sabayan ding isinagawa ang tree planting ng SPM sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble