NAGING makasaysayan ang isinagawang “One Tree, One Nation” Nationwide Tree Planting Activity sa Baroro River, Bacnotan, La Union, na nagdala ng mga tao mula sa iba’t ibang sektor na magkaisa para sa isang makabuluhang layunin.
Dumalo sa makabuluhang aktibidad ang mga lokal na opisyal, kabilang ang Mayor na si Divine Fontanilla, Vice Mayor na si Francis Fontanilla, at mga konsehal, kasama ang mga miyembro ng Brgy. Baroro, mga volunteer, SPM, Keepers Club Int’l, at KOJC.
Lahat sila ay nagpasalamat sa inisyatibong ito na pinangunahan ni Pastor Apollo C. Quiboloy, na naglalayong magtanim ng puno para sa mas luntiang kinabukasan.
Bago makarating sa planting site, naglakad ang mga participants sa dike, isang karanasang nagbigay-daan sa magandang samahan at pakikipag-ugnayan sa bawat isa.
Ang mga punong itinanim ay hindi lamang simbolo ng pagtutulungan, kundi isang hakbang patungo sa pangangalaga sa ating kalikasan at sa mga susunod na henerasyon.
#OneTreeOneNation
#PastorApolloParaSaKalikasan
#ParasaDiyosatPilipinaskongMahal