Tree planting sa Lian Batangas, napakadalang—barangay officials

Tree planting sa Lian Batangas, napakadalang—barangay officials

NITO lang nagdaang mga buwan nang manalasa sa bansa ang sunod-sunod na bagyo at isa nga ang probinsiya ng Batangas sa mga nakaranas ng matinding pagbaha dahilan para magdeklara ng state of calamity ang provincial government.

Ang bayan ng Lian, ay kabilang sa nakaranas ng matinding pagbaha.

Sa katunayan, ilang pamilya ang inilikas ng lokal na pamahalaan para matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Bukod sa matinding buhos ng ulan, kabilang ang unti-unting pagkaubos ng mga puno ang isa sa mga tinitignang dahilan kung bakit bumaha sa ilang lugar na sakop ng Lian.

Upang makatulong na mabawasan ang pagbaha sa naturang bayan, nagsagawa rito ng tree planting activity ang Sonshine Philippines Movement (SPM) sa ilalim ng inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy na “One Tree, One Nation” Nationwide Tree Planting Activity.

Ang mga puno ay sinasabi ngang mas mura at epektibong panglaban sa baha.

Sa kabila ng matinding init ng araw, all smile at energetic na nakiisa ang mga daan-daang volunteers ng SPM, Kingdom of Jesus Christ (KOJC), LGU, at mga pribadong grupo sa naturang aktibidad para pangalagaan ang kalikasan.

Ang mga bata at mga young at heart, hindi nagpahuli sa tree-planting activity.

Sumasayaw-sayaw pa ang mga ito pagkatapos magtanim ng mga nasa 500 fruit bearing trees na mahusay umano sumipsip ng tubig-baha.

Tree planting initiative ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Lian, Batangas, lubos na pinasalamatan

Ang isang malaking grupo at mga barangay official sa Brgy. Balibago, Lian Batangas, lubos ang pagpasalamat sa inisyatiba ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Napakadalang o halos wala anila kasing ganitong mga aktibidad sa kanilang lugar.

“Pastor, taos puso po akong nagpapasamalat sapagkat ang barangay po namin ay naging bahagi ng nakapakaganda niyong program. Sabi ko nga po matutuwa ang mga diwata. Ang akala po nila wala na silang kakampi pero ito nakita nila, napakaraming nagmamalasakit lalo pong higit sa grupo po ninyo. Lumalaki po ang aming puso,” saad ni Hon. Victor M. Eliponga, Brgy. Chairman, Sitio Taludtod, Brgy. Balibago Lian Batangas.

“Nagpapasalamat ako kay Pastor. Na may ganitong Pastor Apollo Quiboloy na nag-iinitiative ng ganitong programa,” ayon kay Former Mayor Andy Mariscotes.

Bilang isang malaking grupo, kami po ay nagpapasalamat kay Pastor Quiboloy. Ang pagtatanim po ng mga punong kahoy, ay malaking bagay po para sa aming mamamayan,” ani Dorcas C. Aquino, Vice President, Balikatan.

Kahit ang mga political vlogger, namangha sa mga ganitong uri ng inisyatibo ni Pastor Apollo.

Hindi na kasi mabilang ang mga pagkakataong nagsagawa ng tree planting ang Butihing Pastor kahit hindi naman ito nagtatrabaho sa gobyerno.

Simula noong taong 2005, ay aktibo na ang Sonshine Philippines Movement (SPM) at ang KOJC sa mga tree planting activity at clean-up drive.

Sakalit magtuloy-tuloy si Pastor Apollo sa Senado, asahan na ang 10-M puno ang maitatanim sa buong bansa sa kada taon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter